*Ito ay listahan ng mga hotlintes na inihanda ng mga lokal na pamahalaan ng Tokyo at mga katabing lugar. Ang impormasyon ay in-update noong ika-5 ng Disyembe at maaari itong baguhin o mabago sa hinaharap.
*Para sa TOCOS: Tokyo Coronavirus Support Center for Foreign Residents na inihanda noong Abril 17, tignan ang top page.
Mayroon ng hotlines tungkol sa COVID-19 para sa mga naninirahan sa Tokyo, Chiba, Kanagawa at Saitama.
Kapag masama ang karamdaman o may hinala na sintomas ng COVID-19, puwede kayong tumawag dito. Gayunpaman, hindi lahat ng call center ay may sapat na operator na nagsasalita ng wikang banyaga. Kung hindi marunong magsalita ng Hapon, maaring kailanganin mong humingi ng tulong mula sa isang nagsasalita ng Hapon para sa mga katanungan.
Bago tumawag sa hotlines / pumunta sa ospital :
- Kung mayroon kang sintomas tulad ng trangkaso o lagnat, kumuha ng permiso sa paaralan o kumpanya at huwag lumabas ng bahay.
- Tignan ang temperatura ng katawan araw-araw.
Siguraduhing sundin ang dalawang nakasulat sa taas at sagutin
ang mga sumusunod.
Q1. Saan ka nakatira?
Sa nakatira sa Chiba (Updated on Nov 29): Saitama, tumuloy sa (A). Sa nakatira sa ibang lugar, tumuloy sa Q2.
Q2. Mayroon ka bang kakaritsuke na doktor? (kakaritsuke-i)
Kung mayroon, tumuloy sa (B). Kung wala, tumuloy sa (A).
*Kakaritsuke-i:
Ito ang tawag sa doktor na pamilyar sa pang araw-araw na kondisyon mo at maaring konsultahin tungkol sa anumang bagay na may kaugnayan sa kalusugan. Kung kailangan, siya rin ang magtuturo ng ospital na eksperto sa tiyak na sakit. Kung mayroong lagnat, mabigat ang katawan, o walang ganang kumain, itong doktor na pinupuntahan mo na nakatira malapit sa inyo ang tinatawag na kakaritsuke.
(A)Tumawag sa Hotlines
(1) Hotlines para sa may mga sintomas na sumusunod:
Nahihirapan ka bang huminga? Mabigat ba ang iyong katawan? Mataas ba ang lagnat mo?
Kung nakakaramdam ka ng sintomas, tumawag sa call center sa ibaba para kumunsulta.
Kung ang mga sintomas ay nagtuloy-tuloy lagpas ng 4 na araw, tiyaking kumunsulta dito.
Lalo na kapag may edad o may sakit na talamak, pati na rin ang mga buntis, tumawag agad kung may lagnat, ubo o masama ang pakiramdam.
BABALA: Hapon lang ang available na wika. Maaring busy ang linya pag gabi ng holiday)
Rehiyon |
Lugar |
Oras |
Telepono |
Tokyo |
|
|
|
|
24 oras, bukas rin sa Sabado, Linggo, at holidays |
03-5320-4592 (Lahat ng lugar sa Tokyo) |
|
(Updated on Nov 29): “Tokyo Fever Guidance Center, mula sa COCOA” |
24 oras, bukas rin sa Sabado, Linggo, at Holidays |
Ang Phone Number ay ibibigay sa iyo sa COCOA kung may close-contact sa maysakit |
|
Saitama
|
|
|
|
(Updated on 12/3): Saitama Consultation and Guidance Center(埼玉県受診・相談センター) * Maaring kumunsulta sa doktor kung saang institusyon ka dapat pumunta at kung dapat ba o hindi magpatingin. |
9AM-5:30PM(Lunes-Sabado), bukas rin sa holidays |
048-762-802 |
|
(Updated on 12/3): Covid-19 Support Center para sa mga taga-Saitama(県の新型コロナウイルス感染症県民サポートセンター) *Maaaring kumunsulta tungkol kung saang institusyon ka dapat magpatingin at tungkol sa mga karaniwang tanong tulad ng proteksyon laban sa pagkahawa ng COVID-19. |
|
0570-783-770 |
|
Chiba |
(Updated on 11/29): Nagbago ang pangalan nito sa “Covid-19 Call Center” sa Chiba city(千葉市) at Funabashi city(船橋市), “Consultation and Guidance Center” sa Kashiwa city(柏市). |
9AM-7PM (9AM-5PM sa Sabado, Linggo, Holidays, at New Year’s Holidays 12/29-1/3) |
(Chiba City)043-238-9966 (Funabashi City) 047-409-3127 (Kashiwa City) 04-7167-6777 |
Hotlines para sa mga taga-Chiba |
Tumawag dito kung sarado ang health center ng prefecture / siyudad. (Bukas ng 24 oras araw-araw) |
0570-200-613 |
|
Kanagawa |
(Updated on Nov 29): Sarado na ang “Call Center ng Public Health Center” noong Nov. 1st. |
|
|
|
9AM-9PM (araw-araw) |
0570-048-914 |
(2) Hotlines na tatawagan kapag may magaan na lagnat o ubo / kung may hinala na impeksyon (Updated on 11/29): Hotlintes na tatawagan kapag may karaniwan na tanong tungkol sa proteksyon laban sa pagkahawa ng COVID-19 o etc.
(May available na wikang banyaga sa Tokyo・ (Updated on 11/29): Saitama COVID-19 Center, Himawari, Japan Tourism Agency at AMDA)
|
Serbisyo |
Oras |
Numero |
Wika |
Tokyo
|
COVID-19 Call Center |
9 AM – 10 PM araw-araw |
0570-550571 |
Hapon, Ingles, Intsik, Koreano |
Medical Institution Information Service “Himawari” |
9 AM – 8 PM araw-araw |
03-5285-8181 |
Ingles, Intsik, Koreano, Espanyol, Thai |
|
AMDA |
Multilingual Call Center |
10AM-4PM(Weekdays) |
03-6233-9266 |
Ingles (araw-araw) (Updated on Nov 29): Madaling Hapon (araw-araw) Intsik (Martes, Huwebes) Koreano (Lunes) Thai (Martes) Tagalog (Lunes) Espanyol (Miyerkules) Portuguese (Biyernes) Vietnamese (2nd at 4th Miyerkules ng buwan) |
Japan Tourism Agency |
Call Center para sa mga bumibisita sa Japan |
24 oras araw-araw |
050-3816-2787 |
Hapon, Ingles, Intsik, Koreano |
Saitama |
(Updated on Dec 3): Saitama International Association ”Call Center para sa mga dayuhan” |
24 oras araw-araw |
048-711-3025 |
Madaling Hapon, Ingles, Intsik, Koreano, Espanyol, Portuges, Tagalog, Thai, Vietnamese, Indonesian, Nepali |
Chiba |
Call Center para sa mga taga-Chiba |
24 oras araw-araw |
0570-200-613 |
Hapon |
Kanagawa |
COVID-19 Call Center |
Weekdays 9 AM – 9 PM |
045-285-0536 ※Para sa mga nakatira sa Yokohama : 045-550-5530 |
Hapon |
(Updated on Dec 1): Covid-19 Call Center ng Yokohama City |
24 oras araw-araw |
045-550-5530 |
Hapon |
Depende sa resulta ng konsultasyon, maaari kang patawagin sa Public Health Center na nasa Updated on Nov 29: Call Center nasa (1).
*(Updated May 24) Ang AMDA Multilingual Call Center ay nakatakdang magbukas hanggang ika-20 ng Mayo lamang. Gayunpaman, inanunsyo nila na sa pansamantala, ay magpapatuloy sila pagbibigay ng suporta para sa COVID-19.
* (Updated on Nov 29): Kapag tumawag ka sa “Hotlines para sa mga dayuhan” ng Saitama International Association, posibleng sila ang tatawag sa hotlines ng Saitama prefecture sa halip mo at magsasalin ng pag-uusap ninyo kung kinakailangan.
Pumunta ng ospital
Kung tatawag sa Public Health Center (Updated on Nov 29): Call Center sa (1), tuturuan ka kung kailangan bang pumunta ng ospital o kung saang ospital dapat pumunta.
Kapag pupunta ng ospital, siguraduhin na nakasuot ng mask at kung maari, huwag sumakay sa pampublikong transportasyon.
(B)Tumawag sa kakaritsuke na doktor
Tumawag muna sa doktor na palaging pinupuntahan at may alam sa iyong sakit. Tatanungin ka ng doktor mo tungkol sa sintomas.
Titingnan at tuturuan ka kung ano ang dapat gawin pagkatapos ng konsultasyon.
*Kung walang lokal PCR Center sa lokal na pamahalaan, sasabihan ka ng doktor na tumawag sa call center na nakasulat sa (A). Para sa mga detalye, tanungin mismo ang doktor.