May masamang epekto ba ang COVID-19 sa iyong kumpanya at dahil dito hindi ka tina-trato ng mabuti dahil isa kang dayuhan? Ilegal iyan!
Ayon sa Ministry of Health, Labor and Welfare, ang mga tagapamahala ng kumpanya ay dapat i-trato ng pantay-pantay ang mga dayuhan at Hapon:
- Kapag pinakuha ng leave ang manggagawa dahil sa mga dahilan ng kumpanya, dapat bayaran ang dayuhan na manggagawa ng leave allowance kagaya ng mga Japanese employees.
- Kapag kukuha ng leave dahil walang pasok ang anak, pwede gamiting ang annual paid leave kagaya ng mga Japanese employees.
- Ang mga subsidyo na binabayaran ng bansa sa mga kumpanya upang maprotektahan ang trabaho ng mga manggagawa ay maaaring magamit para sa mga dayuhang manggagawa kagaya ng mga Japanese employees.
- Ang pagsisisante ay hindi basta-basta magagawa ng kumpanya. Kung sakaling kailangan magsisisante ang kumpanya ng dayuhan na manggagawa, dapat sundin ang mga panuntunan katulad ng mga Japanese employees.
Kung sakaling iba ang pagtrato kumpara sa mga Hapon, o may anumang problema sa trabaho, maaari kang kumunsulta sa pinakamalapit na Labor Bureau, Labor Standards Inspection Office, o Hello Work.
Labor Bureau : maari kang kumunsulta dito kapag may problema ka sa iyong kumpanya o trabaho, ngunit hindi mo alam kung saan kumunsulta.
Labor Standards Inspection Office : maari kang kumunsulta tungkol sa mga kondisyon sa trabaho tulad ng allowance ng leave, annual paid leave, patakaran ng pagsisisante, at iba pa tungkol sa sahod at oras ng trabaho.
Hello Work(ハローワーク): maari kang kumunsulta tungkol sa kung paano makahanap o makakuha ng trabaho, o paano kunin ang unemployment insurance kung aalis sa trabaho.
Kung gustong kumunsulta sa Labor Bureau o Labor Standards Inspection Office, tumawag muna sa Telephone Consultation Service for Foreign Workers o Labor Standards Advice Hotline. Makikinig sila sa iyo at sasabihin ang batas at kung saan ka dapat kumunsulta. Pwede rin tumawag direkta sa lokal na Labor Bureau at Labor Standards Inspection Office.
Kung gusto mong kumunsulta sa Hello Work, tingan ang artikulong ito (inggles). Pwede rin tumawag sa ibang wika sa Hello Work.
Telephone Consultation Service for Foreign Workers
Ito ay call center na ginawa ng Ministry of Health, Labor and Welfare na may suporta sa dayuhang wika. Pwede kumunsulta dito tungkol sa mga kondisyon ng pagtrabaho, mga batas, o para magpakilala ng mga kaugnay na institusyon.
Tawag gamit ang landline : 8.5 yen / 3 minutes (kasama ang tax)
Tawag gamit ang cellphone : 10 yen / 3 minutes (kasama ang tax)
Sarado ang serbisyo mula December 29 hanggang January 3.
Updated 5/11:
*Dinagdagan ang suporta para sa ibang wika. Nagbago ang araw na available para sa ibang wika.
*Dahil sa deklarasyon ng State of Emergency, kulang ang mga call operators kaya maaring busy ang linya ng telepono. Tumawag na lanh ulit pagkatapos ng ilang oras o sa ibang araw.
Wika |
Araw |
Oras |
Telepono |
Ingles |
Lunes – Biyernes |
10 AM – 3 PM |
0570-001701 |
Intsik |
0570-001702 |
||
Portuguese |
0570-001703 |
||
Espanyol |
0570-001704 |
||
Tagalog |
Martes, Miyerkules, |
0570-001705 |
|
Vietnamese |
Lunes – Biyernes |
0570-001706 |
|
Birmano |
Lunes, Miyerkules |
0570-001707 |
|
Nepali |
Martes, Huwebes |
0570-001708 |
|
Koreano |
Lunes, Huwebes, Biyernes |
0570-001709 |
|
Thai |
Miyerkules |
0570-001712 |
|
Indonesian |
0570-001715 |
||
Khmer |
0570-001716 |
||
Mongol |
Huwebes |
0570-001718 |
Labor Standards Advice Hotline
Ito ay isang consignment na isinasagawa ng Ministry of Health, Labor and Welfare bilang call center para sa mga nagsasalita ng wikang banyaga. Pwede tumawag dito kapag sarado ang Telephone Consultation Service for Foreign Workers sa taas, o kung sarado ang Labor Bureau o Labor Standards Inspection Office at bukas ito tuwing Sabado, Linggo at holidays. Makakatawag ka dito ng libre kahit kung saan ka man sa Japan at pwede kumunsulta tungkol sa kondisyon ng pagtrabaho, mga batas, o para magpakilala ng mga kaugnay na institusyon. Pwede rin tumawag mula sa cellphone. Sarado ang serbisyo mula December 29 hanggang January 3.
Updated 5/11:
Dinagdagan ang suporta para sa ibang wika. Pinalitan din ang numero ng telepono.
Wika |
Araw |
Oras |
Telepono |
Hapon |
Lunes – Linggo |
5 PM – 10 PM Lunes – Biyernes 9 AM – 9 PM |
0120-811-610 |
Ingles |
0120-531-401 |
||
Intsik |
0120-531-402 |
||
Portuguese |
0120-531-403 |
||
Espanyol |
Martes, Huwebes, |
0120-531-404 |
|
Tagalog |
Martes, Miyerkules, |
0120-531-405 |
|
Vietnamese |
Miyerkules, Biyernes, |
0120-531-406 |
|
Birmano |
Miyerkules, Linggo |
0120-531-407 |
|
Nepali |
0120-531-408 |
||
Koreano |
Huwebes, Linggo |
0120-613-801 |
|
Thai |
0120-613-802 |
||
Indonesian |
0120-613-803 |
||
Khmer |
Lunes, Sabado |
0120-613-804 |
|
Mongol |
0120-613-805 |
Pwede rin kumunsulta nang direkta sa
Labor Bureau o Labor Standards Inspection Office ng bawat munisipilidad
Ang ilang mga Labor Bureau o Labor Standards Inspection Office sa Tokyo, Kanagawa, Saitama, at Chiba ay may konsulta para sa wikang banyaga.
Updated 5/11:
Dinagdagan ang suporta para sa ibang wika. Nakalagay dito ang contact ng Foreign Workers Consultation Desk. Kung i-click mo ang link Lugar sa ibaba, ipupunta ka sa Google Map at makikita mo ang pinakamalapit na lugar na pwedeng makonsultahan.
Habang may State of Emergency, maaring huwag pumunta sa lugar mismo at tumawag na lang para kumunsulta. Kahit na matapos ang State of Emergency, tumawag muna para mag-set ng appointment.
TOKYO
Lugar |
Wika |
Araw |
Oras |
Telepono |
Tokyo (13th floor) |
Ingles |
Lunes, Biyernes |
10 AM – 4 PM |
03-3816-2135 |
Intsik |
Lunes, Martes |
|||
Tagalog |
Miyerkules, Biyernes |
|||
Vietnamese |
Martes, Biyernes |
|||
Nepales |
Huwebes |
|||
Khmer |
Miyerkules |
|||
Mongol |
Huwebes |
|||
Shinjuku (4th floor) |
Ingles |
Martes |
03-5338-5582 |
|
Intsik |
Huwebes |
|||
Birmano |
Lunes |
|||
Koreano |
Lunes, Biyernes |
|||
Thai |
Miyerkules |
|||
Indonesian |
Miyerkules |
KANAGAWA
Lugar |
Wika |
Araw |
Oras |
Telepono |
Kanagawa (8th floor) |
Ingles |
Lunes |
9 AM – 4 PM |
045-211-7351 |
Espanyol |
Martes, Huwebes |
|||
Portuguese |
Miyerkules, Biyernes |
|||
Atsugi |
Espanyol |
Lunes, Miyerkules, |
9:30 AM – |
046-401-1641 |
Portuguese |
SAITAMA
Lugar |
Wika |
Araw |
Oras |
Telepono |
Saitama (15th floor) |
Ingles |
Martes, |
9 AM – 4:30 PM |
048-816-3596 |
Intsik |
Lunes, |
048-816-3597 |
||
Vietnamese |
Lunes, |
048-816-3598 |
CHIBA
Lugar |
Wika |
Araw |
Oras |
Telepono |
Ingles |
Martes, Huwebes |
9:30 AM – 5 PM |
043-221-2304 |
|
Intsik |
Lunes, |
047-431-0182 |
||
Vietnamese |
Martes, Huwebes |
04-7163-0246 |
Maaari mo ring tingnan ang impormasyon sa mga sumusunod na website.
Para sa mga dayuhan (Impormasyon tungkol sa COVID-19) – Ministry of Health, Labor and Welfare
Saan pwedeng kumunsulta ? (Advisor for Foreign Workers Section) – Ministry of Health, Labor and Welfare