Dahil sa epekto ng COVID-19, posible na ang mga nakatanggap ng Certificate of Eligibility (COE) ay maaaring hindi makarating sa Japan sa loob ng valid period . Kaya napagpasyahan na i-extend ang COE ng 3 buwan validity to 6 months validity. Isinasagawa ito mula Martes, Marso 10, 2020.
Ang COE na valid sa loob ng 6 na buwan ay maaaring magamit para sa pag-apply ng visa at landing application sa Japan.
Maari kang mag-extend kapag ikaw ay nakatugon sa sumusunod na dalawang punto:
- Pupunta ka sana sa Japan ngunit dahil sa COVID-19, hindi natuloy ang pagpunta sa loob ng validity period ng COE mo.
- Mapapatunayan na posible ka pang tanggapin ng iyong pagtra-trabahuhan (o papasukan na school, atbp) sa Japan
Pwede ka ring mag-extend kapang ang COE ay na-expired bago mag-apply o habang nag-aapply ka ng visa.
Babala:
Mangyaring mag-apply ng visa sa embassy o konsulado.
Kapag ang COE mo ay humigit na sa 3 buwan pagkatapos mong matanggap at mag-aapply ka ng visa, mangyaring mag-submit ng dokumento na nagsasabi na posible ka pang tanggapin ng iyong pagtra-trabahuhan sa Japan. Ang dokumentong ito ay maaaring nasa anumang format.
Para sa karagdagang impormasyon:
Immigration Services Agency of Japan
http://www.moj.go.jp/content/001319464.pdf (Tagalog)
http://www.moj.go.jp/content/001316293.pdf (English)
Immigration Information Center
(Monday to Friday 8:30AM-5:15PM)
TEL 0570-013904
TEL 03-5796-7112(IP, PHS, Overseas)
Regional Immigration Bureau
Sapporo Immigration Bureau TEL 011-261-7502
Sendai Immigration Bureau TEL 022-256-6076
Tokyo Immigration Bureau TEL 0570-034259
TEL 03-5796-7234(IP phone, PHS, overseas call)
Yokohama Immigration Office TEL 045-769-1720
Nagoya Immigration Bureau TEL 052-559-2150
Osaka Immigration Bureau TEL 06-4703-2100
Kobe Immigration Office TEL 078-391-6377
Hiroshima Immigration Bureau TEL 082-221-4411
Takamatsu Immigration Bureau TEL 087-822-5852
Fukuoka Immigration Bureau TEL 092-717-5420
Naha Immigration Office TEL 098-832-4185