Makakatanggap ng suporta para makatrabaho ulit ang mga Technical Intern Trainees na nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19
Malaki ang naging epekto ng COVID-19 sa sitwasyon ng pagtatrabaho sa Japan.
Maraming Technical Intern Trainees o mga Specified Skilled Workers na nasa Japan na nawalan ng trabaho at nag-aalala dahil dito. May bagong sistema na ginawa para suportahan ang mga taong ito.
Mangyaring mag-apply sa Immigration Services Agency sa pamamagitan ng pinapasukan mong kumpanya/host organization ngayon. Ang Immigration Services Agency ay makikipagtulungan sa iba-ibang pamahalaan para makahanap ng bago mong mapapasukan. Maaari mo ring baguhin ang iyong visa sa “Designated Activities Visa” kung kinakailangan.
【Sino ang makakatanggap ng suporta na ito?】
Ang mga Technical Intern Trainees o mga Specified Skilled Workers na nawalan ng trabaho o natigil ang training dahil sa epekto ng COVID-19.
【Ano ang suporta na ito?】
Kapag hindi makahanap ng bagong mapapasukan, tutulungan ka ng Immigration Services Agency na :
- Makahanap ng trabaho sa specified industrial fields.
- Magkaroon ng “Designated Activities Visa” (valid ng hanggang 1 taon) kung nais mo na makakuha ng special skills na kailangan ng Specified Skilled Workers
【Paano makakatanggap ng suporta na ito?】
Para makahanap ng bagong mapapasukan, kailangan mong mag-submit ng iyong personal na impormasyon.
- Mag-submit ng “Kasunduang may kinalaman sa paghawak ng personal na impormasyon” na nasa site ng Ministry of Justice (nasa Japanese lamang) sa pinapasukan mong kompanya/organisasyon sa kasalukuyan.
- Ang kompanya/organisayon na ito ang magsu-submit nito sa Immigration Services Agency.
- Ibibigay ng Immigration Services Agency ang iyong impormasyon sa mga pamahalaan para makahanap ng trabaho.
- Kapag nakahanap na ng trabaho para sa iyo, magpalit ng visa status (nasa Japanese lamang) kung kinakailangan.
【Saan pwedeng kumunsulta?】
- Kumunsulta gamit and wikang banyaga sa MAIL
available na wika:
Intsik, Vietnamese, Tagalog, Indonesian, Thai, Inggles, Cambodian, Burmes
URL: https://www.otit.go.jp/notebook/
Para sa karagdagang impormasyon, tignan ito.
- Kumunsulta gamit ang TELEPONO
Vietnamese:0120-250-168
Lunes hanggang Biyernes
Intsik:0120-250-169
Lunes, Miyerkules, Biyernes
Indonesian:0120-250-192
Martes, Huwebes
Tagalog:0120-250-197
Martes, Sabado
Ingles:0120-250-147
Martes, Sabado
Thai:0120-250-198
Huwebes, Sabado
Cambodian:0120-250-366
Huwebes
Burmes:0120-250-302
Biyernes
Libre ang pagtawag dito.